TIMBOG | Pusher, arestado sa Bacolod City

Bacolod City – Arestado ang isang drug pusher na high value target ng pulisya sa Bacolod City.

Aabot sa P3.7. Million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa suspek na nakilalang si Jeffrey Virgil.

Kilala si virgil na isa sa mga lider ng drug group sa Bacolod kung saan umaabot ang kanilang operasyon hindi lamang sa bacolod maging sa katabing probinsiya nito.


Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at inaalam na din ang iba pang kasabwat nito maging ang source ng kaniyang mga iligal na droga.

Facebook Comments