WAR ON DRUGS | P12M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PNP at PDEA sa magkahiwalay na lugar sa Cebu

Cebu – Nasabat ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa magkahiwalay na lugar sa Cebu ang nasa P12.5 million na halaga ng shabu at marijuana.

Sa ikinasang buy bust operation ng PDEA, nasakote nila ang mag-asawang sina Mesael at Janice Palermo na kapwa nasa kanilang watchlist.

Nakuha mula sa mag-asawa ang 600 grams na katumbas ng mahigit sa tatlong milyong piso.


Sa joint operation naman ng PDEA at Cebu City Police sa Sitio Guardia, Barangay Tagbao, nadiskubre nila ang mahigit 8,000 na mga fully grown marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P3 million.

Mahigit 14,000 na fully grown marijuana naman ang nakumpiska ng mga operatiba sa sitio mapa na nagkakahalaga naman ng mahigit P6 million.

Facebook Comments