Timing ng pagbabalik sa P60-B PhilHealth fund, kaduda-duda para sa mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc

Duda ang mga kongresista sa tunay na motibo ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ₱60 bilyong pondo nito na kinuha ng national government.

Naniniwala si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tiñio na ang tunay na layunin ng naturang hakbang ng pangulo ay upang i-preempt o unahan ang magiging desisyon ng Korte Suprema, dahil simula pa lamang ay kwestiyunable na ang paglilipat ng PhilHealth funds.

Giit naman ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co, ang pagbabalik ng pondo sa PhilHealth ay patunay na mali ang ginawang paglipat nito. Aniya, habang ginamit ito para sa infrastructure projects ay patuloy na nagdurusa ang mga pamilyang Pilipino sa kakulangan ng serbisyong medikal.

Diin naman ni Gabriela Women’s Party-list Rep. Sara Elago, hindi dapat ginagamit ang health funds para sa mga infrastructure projects na may kaduda-dudang implementasyon.

Facebook Comments