TINABLA | Coach Freddie Roach, lubos na nasaktan sa pag-itsapwera sa kanya ni Sen. Manny Pacquiao

118

Manila, Philippines – Lubos na nasaktan si boxing hall of fame trainer Freddie Roach matapos ang tuluyan nilang paghihiwalay ng kanyang alaga na si People’s Champ, Sen. Manny Pacquiao matapos ang 15 taon.

Ayon kay Roach – sa loob ng mga nasabing taon, tinulungan niyang mag-kampeon si Pacquiao sa walong weight divisions.

Itinuturing ni Roach na anak si Pacman.

Aminado si Roach na kulang sa panahon sa training camp si Pacquiao dahil sa trabaho rin nito sa Senado.

Nakatakdang hamunin ni Pacquiao (59 wins – 7 loses -2 draws, 38 KO’S) si Argentinian WBA Welterweight Titlist Lucas Matthysse (39 wins – 4 loses – 0 draw, 36 KO’S) sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Facebook Comments