Tinaguriang Kotong cop ng Pasay, pinakakasuhan na ng DOJ ng kidnapping sa Korte

Ipinag-utos na ng DOJ na kasuhan sa korte ang isa sa mga sinibak na miyembro ng Pasay Police Station 1 anti-illegal drug team.

 

Ito ay makaraang aprubahan ni Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon ang rekumendasyon ng inquest prosecutor ng DOJ na sampahan na sa korte ng kasong kidnapping si Po2 Sajid Anwar Nasser.

 

Ipinag utos na rin ng DOJ ang pag iisyu ng subpoena sa iba pang  respondents na pulis na sina P/Insp. Ronaldo Frades, Po3 Rigor Octaviano, Po1 Anthony Fernandez, At Po1 John Mark Dg Cruz.


 

Ito ay upang humarap sa preliminary investigation kaugnay ng kasong kidnapping na isinampa ng mga complainant na inaresto ng tinaguriang kotong cops at pinagbintangan na sangkot sa drug operation.

 

Una nang nagkasa ng entrapment ang mga otoridad kasunod ng reklamo ni ginang Joan Junsay Dela Torre na hinggil sa pangingikil daw sa kanila ng mga pulis ng isang daang libong piso kapalit ng kalayaan ng kanyang mister na si Jorge Gomez Revilla at doon naaresto ang pasay kotong cops.

Facebook Comments