Tinaguriang ‘onion queen’, humarap sa pagdinig ng Kamara ukol sa hoarding at manipulasyon sa presyo ng agri products

Umarangkada na ang imbestigasyon ng house committee on agriculture and food na pinamumunuan ni Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga ukol sa isyu ng hoarding at manipulasyon sa presyo ng mga produktong agrikultural.

Sa pagdinig ay humarap ang trader at farmer ng sibuyas na tinaguriang ‘onion queen’ na si Leah Cruz.

Mariing itinanggi ni Cruz ang akusasyong hoarding ng sibuyas at iginiit na may mga indibidwal na sumisira sa kaniya na hindi naman niya mapangalanan.


Ayon kay Cruz, mas makabubuting hintayin ang report ng Bureau of Plant Industry (BPI) at tanungin ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil sila ang tunay na nakakaalam sa mga sangkot sa pagmamanipula ng presyo at supply ng sibuyas sa merkado.

Nagbabala naman ang komite na mahaharap sa contempt ang mga opisyal ng DA, DTI, BPI, Bureau of Customs, at mga indibidwal na idinadawit sa hoarding at price manipulation ng sibuyas na hindi sisipot sa susunod na hearing.

Rekomendasyon ito ni Congressman Elpidio Barzaga na sinuportahan ng mga miyembro ng komite.

Facebook Comments