TINAMBANGAN | Dating pulis, patay sa pamamaril sa QC

Quezon City – Patay ang isang dating pulis matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa La Loma, Quezon City.

Naglalakad noon habang nagte-text si PO2 Arthur Cordero nang barilin ng suspek na angkas ng motorsiklo.

Dead on the spot si Cordero matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at likod.


Huling na-assign si Cordero sa Manila Police headquarters noong 2015 bago ito mag-AWOL (absent without leave).

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments