ROAD ACCIDENT | 4, sugatan matapos tumagilid ang isang military truck

Zamboanga Sibugay – Sugatan ang apat na lalaki matapos tumagilid ang isang military truck sa bahagi ng national highway sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa pulisya, binabaybay ng military truck na minamaneho ni staff Sgt. Ralph Husain ang lugar nang may isang van na nag-overtake sa convoy ng militar.

Aniya, agad siyang pumreno para makaiwas sa banggaan pero hindi umepekto.


Dahil dito, tumagilid ang truck at nadaganan ang isang motor na nakaparada sa tabi ng kalsada.

Sugatan sa insidente si Husain at ang mga sakay nito na sina Private First Class (PFC) Lonie Magarao at PFC Khem James Cabarles.

Habang nagpapagaling rin sa ospital ang may mag-ari ng motor na si Cristito Mariño Segovia.

Facebook Comments