Sinibak ni Pope Francis ang dalawang obispo sa Chile na sangkot sa sexual abuse.
Pinangalanan ng Vatican ang mga obispo na sina Francisco Jose Cox Huneeus, 84-anyos, Archbishop Emeritus ng la Serena, at si Marco Antonio Ordenes Fernandez, 53-anyos, archbishop emeritus ng Iquique.
Ang desisyon ng Santo papa sa dalawa ay pinal at hindi maaring i-apela.
Ang defrocking ay ang pinakamatinding parusa ng simbahan sa isang miyembro ng clergy kung saan sibak na ang sinumang mapapatawan nito sa pagkapari.
Maaalalang balot ng kontrobersya ang Chile dahil sa pagtama rito ng isa sa mga pinakamalalang mga krisis ng sexual abuse sa simbahang Katolika.
Facebook Comments