
Narekober ng mga sundalo ang 43 sako ng hinihinalang shabu sa tabing dagat ng Brgy. Harrison sa Paluan, Occidental Mindoro.
Ayon kay 203rd Infantry Brigade Commander PBGen. Melencio Ragudo, tinatayang nasa 2 tonelada ang timbang ng nasabing mga nasabat na sako at nasa 16 hanggang 20 bilyong pisong halaga.
Ayon sa kanya, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen na patungkol sa sumadsad na malaking speed boat na nabutas umano.
Kung saan ito ay may lulan dalawang lalaking foreign nationals na agad ding tumakas papuntang gubat matapos makita ang mga militar.
Kaugnay nito, naiwan ng nasabing mga foreign nationals ang kanilang cellphones at Starlink sa nasabing speedboat kung kaya’t tiyak ng militar na wala silang kahit na anong paraan ng komunikasyon.
Nagsagawa naman na ng manhunt operation ang mga awtoridad para sa nasabing mga tumakas na suspek.










