Tinatayang 3 milyong senior citizen, hindi pa bakunado – WHO

Nasa halos 3 milyong senior citizens pa ang hindi nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, sa halip gamitin ang alokasyon ng bakuna para sa ikatlong dose ng ilan,mas makakabuti kung ibibigay na lamang ito sa mga matatandang hindi pa nabibigyan ng kahit isang dose ng bakuna.

Aniya, mas malaki pa rin kasi ang tiyansa na ma-ospital o masawi ang mga matatandang tinatamaan ng COVID-19.


Pero kung sakaling simulan na ang pamimigay ng third dose, inirerekomenda ng WHO na simulan ito sa severely immunocompromised na susundan ng may edad 80 pataas, pagkatapos ay 70 gulang pataas at panghuli ay 60 gulang pataas.

Kaugnay nito, sinabi ni Health USec. Maria Rosario Vergeire na magsasagawa ng catch-up COVID-19 vaccination ang Metro Manila Center for Health Development at Dr. Jose Fabella Memorial para sa mga senior citizen.

Ibig sabihin, maaaring mag-walk-in ang mga matatanda tuwing Martes at Huwebes sa mga nasabing ospital.

Facebook Comments