MAHIGIT 2K NA KATAO SA DAGUPAN CITY, NEWLY REGISTERED BENEFICIARIES NG DSWD 4PS

Nasa higit dalawang libo o kabuuang bilang na 2, 076 ang bagong napabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na programa ng Department of Social Welfare and Development.
Kasalukuyan namang nagaganap ang apat na araw na Program Orientation Session na may layong maipagbigay-alam ang impormasyon ukol sa mga naturang programa, ang mga tuntunin at kondisyon upang maging malinaw ang mga ito sa mga kailangang sundin na responsibilidad habang napabilang sa programang 4Ps.
Gayundin ang usapin ukol sa paggamit sa tamang paglalaanan ang mga perang matatanggap mula sa ahensya. Ito ay upang maiwasan ang mga report sa darating na mga panahon na sa maling pamamaraan nagagamit ang nasabing tulong pinansyal.

Samantala, layon nitong matulungan ang mga higit na nangangailangang indibidwal o pamilya na maiahon, magkaroon ng pantustos sa pang-araw araw na pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments