TINATAYANG PITONG MILYONG PISONG HALAGA NG PEKENG SIGARILYO, SINIRA SA SANTIAGO CITY

Sabay-sabay na sinira ang nasa anim hanggang pitong milyong halaga ng pekeng sigarilyo ngayong araw sa Lungsod ng Santiago.

Nadiskubre ang mga ito sa isang abandonadong bahay sa isang subdibisyon sa lungsod ng Santiago.

Isinagawa ang pagsira sa Barangay Malvar, Santiago City sa pangunguna ng PNP, DTI at kumpanyang Philip Morris.

Ayon kay City Mayor Sheena Tan, kinokondena nito ang mga gumagawa ng illegal na operasyon at tiniyak na wala nang makakalusot na makakapaggwa at puslit ng mga pekeng sigarilyo sa kanyang administrasyon.

Kaugnay nito ay paiigtingin ang inspeksyon at prohibisyon sa mga ipinapasok na produkto sa Siyudad.

Facebook Comments