HIGIT 2 EKTARYANG TANIMAN NG MARIJUANA, SINIRA SA LALAWIGAN NG KALINGA

Tinatayang nasa P51 milyon na halaga ng marijuana ang nadiskubre ng pinagsamang pwersa ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) at ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15).

Nasa 257,500 fully-grown Marijuana plants mula sa dalawang plantasyon sa Brgy. Tulgao West, Tinglayan, Kalinga ang sinira ng PROCOR Cops ngayong buwan ng Setyembre.

Nag papatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang posibleng may-ari ng nasabing taniman.

Facebook Comments