TINDERO ARESTADO SA KASONG PAGNANAKAW SA STA. BARBARA

Arestado ang isang 22-anyos na tindero sa Sta. Barbara, Pangasinan, Disyembre 10, dahil sa kasong pagnanakaw.

Kinilala ng Sta. Barbara MPS ang suspek bilang residente sa naturang bayan at kabilang sa Target Intelligence Packet Manhunt Charlie.

Naaresto ito sa bisa ng bench warrant of arrest para sa kasong Theft sa ilalim ng Revised Penal Code Article 308, na walang nakalaang pyansa.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sta. Barbara MPS ang akusado para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments