Arestado ang isang tindero ng isda na sinampahan ng kasong estafa sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City, Pangasinan.
Sa bisa ng warrant, may kalakip na piyansang P18,000 ang kaso ng akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Dagupan CPO ang akusado para sa tamang proseso ng kaso.
Iginiit naman ng tanggapan ang patuloy na paninindigan ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaligtasan sa lungsod na sumasalamin sa pagpapatupad ng mga batas kontra kriminalidad.
Facebook Comments










