TINGNAN: Isdang may dalawang bibig, nabingwit sa New York

Image via Angler Debbie Geddes

Isang kakaibang isda ang nabingwit ng isang residente sa lawa ng Champlain, sa Plattsburgh, New York nitong nakaraang linggo. 

Ayon kay Angler Debbie Geddes, residente ng naturang lugar, hindi niya inaasahan na makakahuli siya ng isdang may dalawang bunganga. 

Ibinahagi ni Geddes ang kuhang larawan sa social media at kaagad nag-viral.


May teorya naman ang ilang naninirahan sa nasabing bayan kung bakit naging mutant ang isda. 

Pahayag nila, maaring konektado ito sa halimaw na si ‘Champy’ na pinaniniwalaang nagpapakita noon sa naturang lawa. 

Ayon sa alamat ng Champlain, si ‘Champy’ ay 187- talamapakan ang laki at may bigat na anim na pulgada.

Para naman sa ilang netizens, baka sanhi lamang ito ng polusyon o mutation.

Hindi naman makapaniwala si Debbie sa reaksyong nakuha mula sa mga netizen.

“The public’s responses and theories are quite interesting. I personally believe it was caused by a previous injury, most likely from another angler,” ani Debbie.

Paliwanag ng ilang eksperto, maaring dahil sa birth genetic mutation kaya ganun ang hitsura ng isda.

“The skin and muscle which covers these arches and connects them to the jaws has been lost and left the skeletal structure exposed,” ani Britz.

Sa ngayon, wala pang komentong inilalabas ang Department of Environmental Conservation sa New York ukol sa kakaibang isda.

(Cherrylin Caacbay contributed to this story)

Facebook Comments