Sa isang pambiharang pagkakataon, nagkita sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos dumalo si Pacman sa flag-raising ceremony ng lungsod nitong Lunes ng umaga.
Nagbigay rin ng talumpati si People’s Champ matapos ang seremonya.
Ayon kay Pacquiao, hinahangaan niya si Moreno sa mga platapormang isinasagawa sa siyudad at maituturing na magaling na lider.
“Itong mayor niyo, nakaranas din ng gutom, nakaranas din ng hirap. Kaya alam ko, ako mismo ang magtestify, alam ko na ang mga pangangailangan ng mahihirap, ng lipunan, ay nararamdaman niya,” ani Pacquiao.
Saad pa niya, nakatulong ang mga pinagdaanan nila noon sa buhay ni Moreno laban sa mga pulitikong hindi dumanas ng paghihirap.
“Iba kasi ang alam iyong problem at iba naman ang hindi lang alam iyong problema kundi naranasan dahil hindi siya makatalikod sa pinanggalingan niya,” dagdag ni Pacquiao.
Payo ng ‘Pambasang Kamao’, ipagpatuloy ang nasimulang proyekto dahil baka hindi lamang Maynila ang pagsilbihan nito.
Nagpapicture din sina Pacquiao at Moreno kasama ang ibang empleyado ng city hall.
Naging ‘adopted son’ ng siyudad si Pacquiao dahil sa Maynila siya nagsasanay noon bilang bagong boksingero.