TINGNAN: Unang LGBT Pride pedestrian lane sa Davao

Photo via Facebook / PCUP Commissioner Norman Baloro

Bahaghari sa kalsada ang bubungad sa mga motorista at mga mapapadaan sa Barangay Lapu-Lapu, Agdao District sa Davao City, matapos ilunsad sa lugar ang kauna-unahang ‘LGBT Pride pedestrian lane.’

Ito’y resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Kabataan-Barangay Lapu-Lapu, ayon sa Facebook post ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Commissioner Norman Baloro.

Ani SK Chairperson Paolo Rodriguez, tugon umano ito sa diskriminasyong kinahaharap ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.


Patunay rin umano ito ng pantay na pagtingin at suporta sa lipunan ng Davao City.

Nauna nang naglunsad ng parehong proyekto sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City noong Hunyo nakaraang taon.

Courtesy of When In Manila

Pinintahan din ng kulay ng mga bahaghari ang pedestrian lane sa Barangay Talamban, Cebu City, Agosto nakaraang taon.

Photo courtesy of SunStar Cebu

Nito lamang nakaraang buwan kasabay ng selebresyon ng Pride Month, pinasinayaan ang rainbow pedestrian lane sa national highway ng San Julian, Eastern Samar.

Photo courtesy of San Julian Pride Advocacy Group Inc.
Facebook Comments