Manila, Philippines – Minomonitor lang ng Philippine Navy ang nangyaring pagbasak ng US Navy aircraft sa Philippine Sea kaninang umaga.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, hanggang ngayong hapon ay wala sila natatangap na anumang report galing sa US Navy na humihingi ng tulong para sa search and rescue operation.
Pero kahit aniya hindi humihingi ng tulong ay nakahanda ang Philippine Navy na magbigay ng ayuda partikular ang pagdedeploy ng navy assets.
Sa huling report na-rescue na ang dalawang piloto ng bumagsak na US Navy Carrier Air Wing o CVW 5 F/A-18.
Bumagsak ito sa philippine sea kaninang umaga matapos na makaranas ng problema sa makina habang nagsasagawa ng routine operations.
Tumulong naman agad anv USS Ronald Reagan o CVN 76 kaya na-rescue ang dalawang piloto nito.