Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na handa na ang lahat ng ahensiya ng Pamahalaan para sa inaasahang paghagupit ni bagyong Ompong sa Northern at posibleng sa Central Luzon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakahanda na ang reporting system ng Department of Interior and Local Government na siyang magiging daan para mapabilis ang komunikasyon mula sa mga lokal na pamahalaan hanggang sa National government upang malaman ang real time situation sa mga lugar na dadaanan at dinadaanan ng Bagyo.
1.7 billion pesos na halaga din naman aniya ng Food Items ang naihanda na ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Ang Department of Health naman aniya ay nakapaghanda na ang mga gamot para sa mga inaasahang maililipat sa mga evacuation centers.
Naka antabay narin aniya ang mga quick response team at health emergency response team sa mga lugar na dadagsain ng mga evacuees.
Matatandaan na mamaya ay pangungunahan ni Pangulong Duterte ang Command Conference sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Campo Aguinaldo para personal na alamin ang mga ginawa nang paghahanda ng National Government para sa paparating na bagyong Ompong.