Manila, Philippines – Susuplayan na rin ng bigas mga magsasaka sa Lalawigan ng Tarlac ang mga taga Taguig city.
Ito ang pagtiyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol kasunod ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement.
Dalawang grupo ng rice farmers mula sa Tarlac City ang magsusupply sa rice requirement ng Taguig City base sa kanilang computed rice consumption .
Sinabi pa ng kalihim, maglalagay ng mga rice outlets ang LGU sa iba’t ibang barangay sa lungsod na pangangasiwaan ng ilang women’s groups sa ilalim ng kanilang superbisyon.
Plano din ng DA na gawin ang kahalintulad na konsepto sa mga LGUs ng Quezon City, Manila, Pasay, Pasig, Mandaluyong, Caloocan, Navotas at iba pang lugar sa Metro Manila.
Hinimok ni Piñol ang mga LGUs na maglagay ng mga rice processing centers sa kanilang areas na potential na kikita ng hanggang P50-60 Million kada cropping season at mapagbentahan pa ng murang bigas ang kanilang mga mamamayan.