TULAD NG DATI | Presyo ng bilihin sa bansa babalik din sa dati – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Pinawi ng Palasyo ng MalacaƱang ang pangamba ng publiko na baka lalo pang tumaas ang Inflation Rate kasabay ng pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, pansamantala lamang ang nararanasang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa bansa.

Sinabi ni Panelo na ito kasi ang pahayag ng mga Economic Managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalik din sa dati ang presyo ng mga bilihin.


Pero sa ngayon aniya ay wala namang magagawa ang lahat at harapin muna ang sitwasyon sa inflation rate pati na ang nakaambang fare increase.

Facebook Comments