TINUKOY | BIFF, pangunahing suspek sa pagpapasabog sa Isulan Sultan Kudarat – ayon sa AFP

Manila, Philippines – Tinukoy ng Armed Forces of the Philippines ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na pangunahing suspek sa pagpapasabog sa Isulan Sultan Kudarat na ikinasawi ng 2 at pagkasugat ng 36 na indibidwal.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato, naniniwala sila na BIFF lamang ang may lakas na loob na gumawa na ganitong kasamaan kung saan kanilang binibiktima ay mga inosenteng sibilyan.

Sa ngayon mas naging mahigpit aniya ang kanilang ugnayan sa Provincial Police upang pagtulungan ang isinasagawang imbestigasyon sa pagsabog.


Mahigpit din aniya silang nakikipagugnayan sa lokal na pamahalaan para sa mga pagbabago sa over all security sa lalawigan.

Patuloy naman ang panawagan ng AFP sa publiko partikular sa mga taga Sultan Kudarat na mas maging vigilant o mapagmasid,

Napakahalaga ayon kay Detoyato na makipagtulungan ang publiko upang mapigilan pa ang anumang planong panggugulo ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments