TINUTULAN | Pagpili sa isang opisyal ng militar para mamuno sa DSWD, kinontra ni Senator Drilon

Manila, Philippines – Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Army Chief Lieutenant General Rolando Bautista bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Umaasa si Senator Drilon na ipapaubaya ni Pangulong Duterte sa career officials ng DSWD ang pamumuno ditp.

Nauunawaan ni Drilon na prerogative ng pangulo kung sino ang nais nitong italaga sa mga posisyon sa gobyerno.


Pero katwiran ni Drilon, napakahalaga ng mandato ng DSWD sa paghahatid ng serbisyo sa publiko kaya hindi ito dapat i-militarize.

Giit ni Drilon, may iba pa namang posisyon sa pamahalaan ang mas akmang ibigay sa mga kwalipikadong opisyal ng military.

Facebook Comments