“Idol Nikka, bigyan mo naman ako ng tip sa mga pwede kong gawing preparasyon para sa Pasko. Kasi taon-taon na lang, iniisip ko na dapat by September pa lang ay may ginagawa na ko pero laging hindi natutuloy kaya kapag December, nagsasabay-sabay na lahat. Gusto ko magawa ko this year para maayos ko din ang pagbabudget at pagpaplano.” *-Mommy Gemma ng Plainview, Mandaluyong*
*Tip ni Nikka: Paano makatipid ngayong darating na Pasko?*
1. Ilista mo na lahat. Isulat sa papel ang mga pangalan ng iyong reregaluhan at yung mga posibleng regalo na ibibigay mo o gusto nilang matanggap.
2. Yung mga decorations noong nakaraang taon ay muling gamitin. Para kung meron man, kaunti na lang ang idadagdag mo.
3. Sa Divisoria mamili para makatipid o di kaya ay maghanap ng sale!
4. Matutong magpersonalized gift. Yung mga bagay na ikaw talaga mismo ang gumawa para may personal touch. Simple lang pero pinag-effortan.
Follow us on:
*FB:* *iFM Manila:* www.facebook.com/93.9ifmmanila/ *Nikka Loka: *https://www.facebook.com/djnikkaloka939 *Corvus Mind*: www.facebook.com/corvusmind/
*Twitter: * https://twitter.com/ifmmanila
*Instagram:* instagram.com/ifmmanila
Tip ni Nikka: Paano makatipid ngayong darating na Pasko?
Facebook Comments