Sa mga taong naghahanap ng mapagkakakitaan, narito na ang ilang mga tips para magkaroon ng extra income ngayong taon na tiyak na inyong magugustuhan. Dahil sa maliit na puhunan, ikaw ay magiging instant negosyante.
TUTORIAL
Ang tutorial/pagtuturo sa mga estudyanteng hindi masyadong nakakasusunod sa lectures ng teachers sa mga subject tulad ng english, math, science at iba pa, ay maaaring maging paraan sa pagkakaroon ng extra income ngayong taon.
Kinakailangan lamang na mayroon kang sapat na kaalaman sa subject/s na iyong ituturo, at syempre ang mahabang pasensya para sa mga estudyanteng mabagal makasunod sa lectures na iyong itinuturo.
SELLING YOUR PRE-LOVED STUFF ONLINE
Kung masyado nang marami ang mga gamit sa inyong tahan at sa tingin mo ay hindi na kailangan ang mga ito , preloved selling ang isa sa magandang paraan para magkaroon ng extra income. Kinakailangan lamang na ang iyong mga ibebenta ay magagamit pa ng iba at ang presyo nito ay hindi kalakihan ngunit nakasasapat batay sa itsura (quality) nito.
PAGBEBENTA NG YELO
Isa ang pagbebenta ng yelo sa maaari mong pagkakitaan. Kinakailangan mo lang ng plastic, tubig, refrigerator ay makakagawa ka na ng yelo na maibebenta mo sa halagang tatlong piso o higit pa bawat isa.
PHOTOGRAPHY
Isa ang photography sa maaari mong mapagkakitaan. Kinakailangan lang na magaling ka sa editing, pagkuha ng picture, at syempre magandang camera. I-post sa iyong social media accounts tulad ng facebook at instagram ang mga sample pictures mo, ilahad ang contact information kung saan maaari ka nilang ma-contact para sa mga raket na kanilang maio-offer.
PAGBEBENTA NG STREET FOODS
Ang mga street food ang isa sa mga kinahihiligang pagkain sa ngayon lalo na ng mga kabataan. Kung kaya ito ang isa sa magandang negosyo sa ngayon. Dahil sa maliit na puhunan ay makakapagbenta na ng iba’t ibang street foods tulad ng fish balls, kwek kwek, banana cue, turon at iba pa sa tapat lamang ng inyong tahanan.
Article written by Marvin Aloroy