Tips para sa mga mahilig sa Online Shopping, ibinahagi ng DTI-Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Bukod sa pagiging wais at alertong pamimili sa mga pamilihan ay pinaalalahanan rin ng DTI-Isabela ang mga mahilig sa online shopping.

Ayon kay ginoong Serafin Umoquit, ng ng Trade and Industry Development Specialist-Isabela, dapat rin umanong tignan kung lehitimo ang mga pinagbibilhan sa online dahil marami umano ngayon sa mga nagbebenta sa online ang walang permit o legal na dokumento.

Tignan rin umano ang expiration date ng mga binibiling produkto, brand name at address ng pabrika o pagawaan ng bibilhing produkto.


Payo pa ni ginoong Umoquit na huwag umanong tangkilikin ang mga ibinebenta sa online mula sa abroad dahil kung magkaroon man umano ng problema ay mahihirapan kang ireklamo ang mga ito.

Ganun rin umano sa mga OFW’s na nagpapadala ng kanilang Balikbayan box na alamin rin umano kung lehitimo at accredited ng DTI ang mga kumpanya na pinagpapadalhan ng balikbayan boxes upang maiwasan ang anumang aberya.

Facebook Comments