Marami sa atin naging mas makulay at mas masaya ang pasko dahil sa mga nagliliwanag na christmas decors, pero pagkatapos ikabit ng mga ito nitong nagdaang pasko at bagong taon, oras naman na para iligpit ang mga ito para magamit sa mga susunod pang taon. Anu-ano nga ba ang mga paraan para mas maging organize ang iyong paglilipit sa iyong christmas decorations? Narito ang 6 tips:
1. Itago sa original box ang mga christmas decors, i-tape ang bawat sulok ng box dahil doon nagsisimula ang breakage.
2. lagyan ng labels ang bawat box para alam mo kung saan ulit ito kukunin sa oras ba gamitin mo ulit ang mga ito.
3. Ilagay ang christmas lights sa ziplock box at gumamit ng wire organizer para hindi magbuhol buhol ang christmas lights.
4. kung kayo naman ay may christmas balls at wala sa bugdet niyo ang pagbili ng storage box, pwede kayong gumamit ng egg trays para doon ilagay ang mga ginamit na christmas balls at i-tape.
5. Balutan ng dyaryo ang mga parol para hindi mag-fade ang kulay nito at para maiwasan na din ang gasgas.
6. Humanap ng Multi-Purpose at waterproof space-saving storage. pwede rin naman yung may gulong para hindi ka na mahirapan magbuhat nang magbuhat.
Taun-taon dumadating ang pasko at sa panahon ngayon patuloy na tumataas ang mga bilihin kaya ingatan po natin ang ating mga gamit para hindi tayo bili nang bili tuwing christmas.
Article written by Mark Anthony Herero
Facebook Comments