Manila, Philippines – Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III na mabigat ang law firm na humahawak sa Trans Asia pero ang track record naman ng National Labor Relation Commission (NLRC) ay independent at walang kinikilingan sa mga hinahawakan nilang kaso.
Tinitiyak ni Bello sa mga OFW contractor na ang desisyon ng NLRC ay pantay at hindi pwede maimpluwensiyaha at magpadala ng opisina o law firm lalo na ang naturang grupo ay OFW na malapit sa puso ng Pangulo.
Paliwanag ng kalihim ayaw ni Pangulong Duterte na madihado ang mga OFW kung saan inihayag nito na makatitiyak sila na titingnan ang merito ng mga kasong kanilang isinasampa.
Una rito ay kumita ng 6 na bilyong piso ang Trans Asia at sa kabila ng nakasingil na ito pero hindi pa rin nabayaran ang mga OFW contractors.
Matatandaan na umapila ang mga OFW contractor sa Palasyo ng Malacañang na huwag makialam ang ilang mga gabinite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng mga problema ng OFW contractor kung saan maraming mga laborers nila ang hindi nabayaran kaya sila nagreklamo sa DOLE.
Nais ng mga OFW contractors na bayaran ng Trans Asia ang kanilang obligasyon sa kanilang sub contractor na umaabot sa 500 milyong piso.
Dismayado ang OFW contractor dahil sa ngayon ang nagrerepresenta sa Trans Asia Contruction and Development Corporation ay ang law firm nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ayon kay Atty. Charlie Pascual abogado ng mga OFW Contractor na nagrereklamo hindi aniya makatwiran na magrepresenta ang law firm nina Medialdea at Guevarra sa naturang sigalot lalo at humihingi sila ng tulong sa presidente para maresolba ang problemang ito at mabayaraan ang mahigit 3 libong manggagawa na hindi binayaran ng Trans Asia.
Umaasa si Atty. Pascual na kakatigan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naaagrabyadong mga OFW Contractor matapos silang ipatawag ng kalihim upang liwanagin ang naturang isyu.