Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na tututukan nila ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL na kasama din sa mga panukala na panungahing isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sotto, hindi maaapektuhan ng pagpapalit ng liderato ng senado ang BBL na ngayon ay nasa period of interpellations na o pinagdedebatehan na sa plenaryo.
Target aniya nila na sa susunod na linggo ay matapos na ang period of amendments o paglalapat ng mga senador ng amyenda sa panukalang BBL.
Sabi nito Sotto, kasunod nito ay agad na nilang ipapasa ang proposed BBL para maisalang na sa bicameral conference committee habang naka-break ang kanilang session simula June 2 hanggang July 22.
Inaasahan ni Sotto na maraming paplantsahin sa proposed BBL padating sa bicam dahil sigurado aniya na malaki ang pagkakaiba sa bersyon ng Kamara at Senado.