Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa bureaucracy ang inaasahang pagtakbo ng ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 midterm elections.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng balita na 6-8 miyembro ng gabinete ang tatakbo para sa ibat-ibang posisyon sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa bawat miyembro ng gabinete na mawawala ay napakaraming maaaring pagpipilian ang Pangulo na papalit dito dahil marami ang mga mag-a-apply sa posisyon.
Hindi din aniya magkakaron ng vacuum sa mga kagawaran dahil mayroon namang sistema na nakahanda kung saan mayroong itatalagang tagapangasiwa.
Ilan lamang sa mga matunog na pangalang tatakbo sa susunod na taon na miyembro ng gabinete ay sina Roque, Special Assistant to the President Secretary Bong Go at Political Affairs Secretary Francis Tolentino.