Titulong Longest Boodle, sisikaping makamit ng Bayan ng Sto. Tomas Pangasinan

Manila, Philippines – Sisikapin ng bayan ng Sto. Tomas sa lalawigan ng
Pangasinan na makamit ang “Longest Boodle”at maitala ito sa Guinness Book
of World Records na gaganapin sa April 2.

Tinatayang nasa 2,470 mesa ang ihihilera sa kanilang provincial road kung
saan nais talunin ng Sto. Tomas ang bansang Egypt sa naturang titulo.

Inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang 3,600 kilos na karne ng baboy at
3,600 kilos ng gulay na iluluto at tatawagin nilang “Adobong Sto. Tomas Con
Maiz” na siyang original recipe ng nasabing bayan.


Inaasahan na humigit kumulang na 24,000 na katao ang makikilahok sa bukas
(Linggo).

Matatandaan na noong February 11, 2008, nakamit ng Sto. Tomas, Pangasinan
sa kanilang First Corn Festival of the Centennial Celebration, ang Guinness
World Records Certificate for Longest Barbecue.

Facebook Comments