Tiwala ng Pilipino sa gobyerno, maibabalik lamang kapag may naipakulong na pulitiko; independent commision na binuo ni PBBM, malabnaw para sa grupong Bunyog

Malabo nang maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa gobyerno ng Pilipinas

Ito ang sinabi ng grupong Bunyog, kasunod nang isinagawang kilos-protesta sa harapan ng Senado ngayong “Black Friday Protest.”

Ayon kay Culex Soliman ang secretary general ng grupong Bunyog, maibabalik lamang ang tiwala ng tao kung may mapapanagot at makukulong sa mga pulitiko na sinasabing sangkot sa korapsyon at anomalya sa likod ng mga proyekto ng pamahalaan.

“Malabnaw” rin para sa kanila ang binuong independent commission for infrastracture ng Pangulo lalo pa’t ang iba rito ay kaalyado niya.

Samantala, iginiit din ng grupo na hindi nila gustong maggaya ang karahasan sa Nepal o sa iba pang mga bansa ngunit huwag daw umano silang itulak para gawin ito.

Mapayapa namang natapos ang kilos-protesta na isinagawa ng grupo kahit pa, pinagbabato ng itlog at kinalampag ang gate ng Senado.

Facebook Comments