Cavite City – Sinibak na sa serbisyo ang pitong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos kikilan at tamnan ng ebidensiya ang isang lalaki noong nakaraang taon.
Nakuhanan sa CCTV ang ilegal na gawain ng mga nasibak na agent kung saan pinasok nila ang bahay ng isang Kent Dadula sa General Mariano Alvarez, Cavite.
Dahil sa mga kuha ng CCTV, na-dismiss ang kasong pagbebenta ng droga ni Dadula at napalaya siya sa kulungan matapos ang mahigit limang buwan.
Kabilang naman ang pitong agents sa mahigit 60 tauhan ng PDEA Region 4-A na ni-relieve noong Marso dahil sa mga report ng iregularidad at mga hindi lehitimong operasyon.
Facebook Comments