Tiyansang magkaroon ng full-blown el niño ngayong Pebrero o sa Marso, tumaas

Manila, Philippines – Nagpalabas na ng el niño advisory ang pagasa kasunod ng pagtaas ng tiyansang magkaroon ng “full-blown el niño” sa katapusan ng Pebrero o pagpasok ng Marso.

Ayon kay Climate Information Monitoring Section Chief Analiza Solis – ramdam na sa tropical pacific ang ‘weak’ el niño.

Dahil dito, aabot sa 40.7 degrees celsius ang temperatura sa summer partikular sa Tuguegarao City, Cagayan habang aabot sa 38.2 degrees ang temperatura sa Metro Manila.


Sabi naman ni PAGASA Weather Division Chief Esperanza Cayanan – posible ring maapektuhan ng weak el niño ang suplay ng enerhiya sa bansa.

Dahil kasi sa el niño, posibleng bumaba ang water level sa mga dam kaya bababa rin ang suplay ng elektrisidad sa kamaynilaan na magreresulta naman ng mga brown out.

Sa ngayon, hindi nakapagtatala ng sapat na water rainfall ang pagasa dahil sa nararanasang droughts at dry spell sa ilang probinsya sa bansa.

Facebook Comments