‘Todas Dengue, Todo Na’to’, Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela!

*Isabela- **I*dineklara ng pamahalaang panlalawigan ng isabela ang araw ng biyernes (July 26,2019) bilang special non working holiday sa buong lalawigan para sa isasagawang malawakang clean up drive bilang bahagi sa matinding kampanya kontra sa dengue ng pamahalaan panlalawigan ng Isabela.

Ayon kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan, tumaas umano ang bilang ng dengue cases sa lalawigan at halos umabot na sa epidemic threshold ang lalawigan kaya’t muling nagsagawa ng malawakang paglilinis sa buong lalawigan upang maiwasan ang pagkakaroon ng epidemya sa sakit na dengue sa Lalawigan.

Ngayong araw ay nakatakdang magpulong ang lahat ng mga department heads ng pamahalaang panlalawigan ng isabela upang planuhing mabuti ang isasagawang province wide clean-up drive sa araw ng biyernes.


Una rito, nagpalabas ng kautusan si Governor Rodito Albano at idineklara ang araw ng biyernes (July 26, 2019) bilang non-working holiday sa buong probinsya upang hikayatin ang publiko na makiisa sa “Todas Dengue, Todo Na’to (Ika-anim na Kagat)” campaign ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Umaasa ang pamahalaang panlalawigan ng isabela na sa pamamagitan ng naturang kampanya ay mapapababa ang kaso ng dengue sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments