*Cauayan City, Isabela-* Balik kulungan ang 21-anyos na tokhang responder matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng otoridad sa P-3 sa bahagi ng Boyie St, Brgy.Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial (NVPPO) ang suspek ay nakilalang si Jake Santos, 21-anyos may live in partner, construction worker at residente ng P-1, Brgy. Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.
Ang suspek ay huli sa aktong pagbebenta ng pinaniniwalaang droga kung saan ay narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana at baril na 38 revolver na may tatlong bala kabilang ang marked money.
Si Santos ay una nang sumuko sa programa ng kapulisan na Community Based Rehabilitition Program o CBRP kung saan ay nakapagtapos siya sa naturang programa.
Matapos makapagtapos sa naturang programa ay napag-alaman ng pulisya na muling bumalik sa kanyang pagbebenta illegal drogs at unang nahuli noong 2018 sa kaparehas na buwan ngayong 2019.
Nakalaya noon si Santos dahil sa technical problem sa mga iprinisintang ebidensya sa hukuman.
Ngayon ay siniguro ng pulisya na hindi na makaligtas si Santos dahil sa konkretong ebidensya laban sa kanya.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at may kinalaman sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril o paglabag sa R.A 10591.