Tokhang Responder’s ng Cauayan City, Wagi sa Provincial Sports and Disaster Olympics!

*Cauayan City, Isabela- *Nagwagi ang mga Tokhang Responders ng Cauayan City matapos makuha ang unang pwesto sa provincial sports and disaster olympics sa Barangay San Vicente Sports Complex, City of Ilagan, Isabela.

Nakakuha ng puntos na 47.33 ang Lungsod ng Cauayan, sumunod ang Tumauini na may 41.56 points habang sa pangatlong puwesto ay nakuha ng bayan ng Echague na mayroong 39.89 points.

Habang 10 ang nabigyan ng consolation prize na kinabibilangan ng bayan ng Quezon, Gamu, Mallig, San Mateo, Benito Soliven, San agustin, Quirino, Naguilian, at Roxas.


Sa nasabing aktibidad ay ipinakita ng mga tokhang responders mula sa iba’t-ibang bayan ang kanilang galing at alerto sa pagtugon sa mga aksidente sa lansangan, pag-rescue sa mga nalulunod, pag-apula ng sunog at iba pa na rescue operations.

Pinasalamatan naman ni P/BGen.Angelito Casimiro, pinuno ng PRO2, ang mga naligaw ng landas na ngayon ay nagbagong buhay na makakatuwang na rin ng mga otoridad sa pagsasagawa ng rescue sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Samantala, magiging kinatawan ng Isabela ang Cauayan City na makikipag tagisan para sa regional level sa susunod na buwan.

Facebook Comments