Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno ang tone-toneladang basura na nahakot sa Manila Bay sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng dagat.
Sinabi ni Moreno na sa kanilang datos mula July 2019 hanggang kahapon, umaabot na sa 3.5-milyong kilo ng tambak ng basura ang nahakot mula sa Manila Bay.
Nilinaw naman ni Moreno na hindi lahat ng naturang basura sa Maynila ay galing sa kanila lalo na’t wala silang mga fish cages o palaisdaan na maaaring pinagmumulan ng mga nahahakot na sirang kawayan at kahoy sa baybayin ng dagat.
Sa kabila nito, tiniyak ng alkalde na patuloy nilang hahakutin ang mga basurang mapapadpad sa Manila Bay.
Facebook Comments