Natanggap na ngayong araw ng gobyerno ang pitong toneladang personal protective equipment (PPE) at medical supplies na donasyon ng United Arab Emirates sa Pilipinas para sa kampanya kontra sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Mismong sinasksihan nina National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III ang pagtanggap ng donasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. mula kay UAE Ambassador Hamad Al-Zaabi sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Binubuo ito ng 4,000 kilos ng assorted PPE, kabilang ang face masks, gloves at shoe covers, at 3,000 kilo ng medical supplies tulad ng sanitizers and wipes.
Gagamitin ng Department of Health (DOH) upang mapangalagaan ang medical frontline workers laban sa COVID-19.