TOP 1 MOST WANTED SA SUAL, ARESTADO SA KASONG LASCIVIOUS CONDUCT

Naaresto ng mga tauhan ng Sual Municipal Police Station sa Pangasinan ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan dahil sa kasong lascivious conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na may itinakdang piyansang ₱200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ang naarestong 76-anyos na lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sual Police para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments