Siya ay si Patrolman Jarom B.Tuddao ng Enrile, Cagayan na nakakuha ng 91.62% mula sa academic at non-academic requirements.
Pumangalawa naman si Patrolman Jaymer Garma na may 91.24% na sinundan nina Patrolman Joseph Abbe I Osio, Pat. Jess Tylor Agron, Pat Alvin D. Reymundo, Pat. Ariel C.Rivera,Pat Mark Bryan Agpalza, Pat. Leomar S.Royo, Pat John Emmanuel L.Panning at Patrolman Jovani B.Caronan.
Sa ating panayam kay Patrolman Tuddao, naging inspirasyon nito ang kaniyang pamilya sa pagkamit ng naturang pwesto at ganun din ang pagtatapos sa training.
Inihayag nito na bagamat nahirapan ito sa mga unang buwan ng kanilang pagsasanay ay hindi pa rin ito sumuko bagkus ay lumaban, tiniis ang hirap ng training at naniwala sa Panginoon.
Payo naman nito sa mga gustong magpulis na magtiwala lamang sa Dios, sa pamilya at magpursige lang sa buhay.
Ang “SANDATAG” Class ay sumailalim ng labing isang buwan na training at sila ay idedeploy sa iba’t-ibang himpilan ng pulisya sa Region 2.