Top 10 Most Wanted Person sa Isabela, Nadakip na!

91

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng pinagsanib na pwersa ng PNP Echague at Candon City Police Station ang Top 10 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela, ay nadakip ang akusado na kinilalang si Jayson Alfante, 30 anyos, at residente ng Brgy. Maligaya, Echague, Isabela.


Si Alfante ay nahaharap sa kasong Homicide at walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ang pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers