Top 10 Provincial Level sa Apat na Counts ng kasong Child Abuse, Arestado

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga otoridad ang Most Wanted Person na Top 10 Provincial Level matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito bandang 2:30 ng hapon kanina sa Brgy. Linglingay, Gamu, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jaime Cataina, 34 anyos, may asawa, family driver at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Gamu, dinakip ng mga operatiba ang akusado sa pangunguna ni P/Maj. Quintin Baquiran sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Isaac De Alban ng RTC Br. 16 Ilagan City para sa kasong RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa ilalim ng criminal case no. 9057-9060.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P200,000.00).

Agad naman na dinala sa Isabela Provincial Hospital ang akusado para sa physical examination at ikinustodiya din agad ito sa kapulisan bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments