Top 2 Most Wanted Person sa Isabela, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Nadakip na ng pulisya ang isang magsasaka na itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Cordon at sa buong Lalawigan ng Isabela.

Ang akusado na si Jun Ruz Pilien, 39 anyos, may-asawa, at residente ng Malapat, Cordon, Isabela ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong ng RTC branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong 2 counts na paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Dinala na sa Cordon Police Station ang akusado para sa kaukulang dopkumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang tig-dalawang daang libong piso (P200,000.00) sa kanyang bawat kaso.


Facebook Comments