Top 2 Most Wanted Timbog sa PNP Soliven

41

Benito Soliven, Isabela – Nahulog din sa kamay ng kapulisan ang isang magsasaka matapos ang tatlong taon nitong pagtatago.

Ang naaresto ay nakilalang si Eduardo Ubaldo, 59 anyos at at naninirahan sa Barangay San Carlos, Benito Soliven, Isabela.

Si Ubaldo ay may kinakaharap na kasong panggagahasa sa mismong kamag-anak nito.

Batay say nakuhang kaalaman ng RMN News Team Kay PSI Joel Bumanglag, ang hepe ng PNP Benito Soliven, Isabela, ang suspek ay nakalistang top 2 most wanted sa naturang bayan dahil sa bigat ng kasong kinakaharap nito.

Ayon pa sa hepe, kanilang natiktikan na bumalik sa kanilang lugar ang suspek matapos ang mahaba-habang panahon na pagtatago.

Agad namang ikinasa ng PNP Soliven ang pag aresto batay narin sa kautusan ng korte sa sala ni Hukom Isaac de Alban ng RTC Branch 16 ng Ilagan City.

Sa ngayon ay nakakulong sa provincal jail si Ubaldo at wala ring piyansa na nakatakda sa kasong kinakaharap nito.

Facebook Comments