Top 3 Most Wanted sa Isabela, Arestado!

173

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Most Wanted person sa Lalawigan ng Isabela at Top 2 Most Wanted-Municipal level matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. Union, Gamu, Isabela.

Ganap na alas 8:00 kaninang umaga nang maaresto si Peter Asuncion, 40 anyos, isang construction worker, at residente ng Brgy. Union, Gamu, Isabela.


ito’y sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong Murder o pagpatay.

Posibleng mabulok sa kulungan si Auncion dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalaang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng PNP Gamu ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers