Top Most Wanted at Pang-walumpu’t isa sa Listahan ni Pangulong Duterte, Timbog sa San Manuel, Isabela!

*San Manuel, Isabela-* Natimbog ng kapulisan ang top 1 Most Wanted sa bayan ng Alicia, Isabela at pang-walumpu’t isa sa Narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakilala ang suspek na si Rodolfo Baquirin, trenta anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bonifacio, Alicia Isabela.

Inaresto ng PNP Alicia si Baquirin sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela sa bisa ng Mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City dahil sa nakabinbin nitong kasong Pagpatay at Carnapping habang ang kaso nitong Robbery ay ipinalabas naman ni hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela.


Matapos dakpin si Baquirin at isinailalim sa body search ay nakumpiska mula sa pag-iingat ang dalawang pakete ng shabu at isang pakete ng Marijuana.

Sa ngayon ay nakapiit na sa BJMP Cauayan ang suspek na mahaharap sa panibagong kaso na pag-iingat ng iligal na droga.

Facebook Comments