Arestado ang binatang itinuturing na most wanted ng Cauayan City at kasama nitong menor de edad na pinaniniwalaang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng OPLAN PITO.
Nakilala ang mga suspek na sina sina Reymund Taguinin alyas “Macmac”,22 taong gulang at kasamahan nitong itinago sa alyas na Luis, 17 anyos. Sila ay parehong tubong Sto. Domingo, Nueva Ecija. Si Taguinin ay itinuturing na most wanted dito sa lungsod dahil sa kasong pagpatay.
Siya lamang sana ang aarestuhan ng kapulisan ng PNP Cauayan. Nang makumpirma ng intelligence unit ng City Police Office ang kinaroroonan ng suspek ay agad kumilos ang kapulisan.
Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ng hukom noong August 19 taong kasalukuyan, nagtungo ang mga pulis sa bahay ng kapatid ni Taguinin sa Brgy. District 3, Cauayan City. Pagdating ng mga pulis sa lugar ay naaktuhang hawak hawak ni alyas Luis ang pinaniniwalang pinatuyong marijuana at nang kapkapan si Taguinin, nakuha rin sa kanyang pag iingat ang isang pakete ng pareho ring pinaniniwalaang pinatuyong marijuana na nakabalot sa isang papel.
Agad namang inimbentaryo ang mga nakumpiskang pinaghihinalaang marijuana at sinaksihan ito ni Brgy Kgwd Renato Agustin at Antonieto Po na kinatawan ng DOJ. Ang mga nakumpiska ay nasa kustodiya na ng PNP Cauayan para sa kaukulang disposisyon.
Maliban sa kasong pagpatay na unang kinakaharap ng ni Taguinin ay kakasuhan din sya sa paglabag sa sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,Antonieto Po, Renato Agustin